Wednesday, March 10, 2010

EPISODE THREE – PALIMOS NG PAG-IBIG

Niyakap na lamang ni Lara ang ina. Hikbi ang sinagot sa tanong nito. Inasahan na ni Elynnia na ito ang eksenang magagaganap. Paulit-ulit na naglaro sa kaniyang isipan ang kaganapang ito habang hinihintay ang pagbabalik ni Lara mula sa balwarte ng mga Ponderosa.

“Sinabi ko na sa iyo anak, wala tayong mapapala sa pamilyang iyon...”

Maglalakbay ang mga ala-ala ni Elynnia sa nakaraan, sa mga tagpong pilit niyang binabaon sa baul. Ngunit muling umahon ang mga ala-ala sa kaniyang gunita...

***

Mahal na mahal ko si Jose. Kaya kong ipagpalit lahat para sa kaniya... hindi ko pinakinggan ang sinabi ng aking mga magulang, wala akong pakialam sa bulong-bulungan ng iba... kasalanan ko ba kung umibig ako? Alam kong hindi siya unang naging akin... pero hindi naman nasusukat ang pagmamahal kung pang-ilan hindi ba? Kasalanan ko bang umibig sa taong may asawa? Masisisi niyo ba ang puso ko na siya lang ang tinitibok nito?

***


Nagmamadaling nag-aayos ng gamit si Elynnia (24), mabilis na nililigpit ang mga papeles na nakakalat sa kaniyang desk. Wala pang alas singko pero gusto nang umuwi ni Elynnia. Hanggang sa dumating na nga ang kaniyang iniiwasan...

Iluminada: Ikaw pala si Elynnia, ang magaling na sekretarya ni Jose.

Hindi kikibo si Elynnia. Dali-daling aalis ngunit mabilis na mahahawakan ni Iluminada nag kaniyang bisig.

Iluminada: Wala pang 5 nagmamadali ka na nang umuwi? Sa bagay iba na ang paborito ng boss...

Mapapansin na ng iba pang empleyado ang nangyayari. Umaakyat na nag kahihiyan sa mukha ni Elynnia. lalapit sa tenga ni Elynnia si Iluminada, “dapat ka ngang mahiya. Umaalis ka na nga ng hindi tama sa oras, nilalandi mo pa ang boss mo. Alam na alam ko ang mga caracas ng mga babaeng katulad mo, layuan mo ang asawa ko or else –“


Hanggang sa makikita ni Jose ang ginagawa ni Iluminada sa sekretarya. “Iluminada!” tawag ni Jose sa asawa. Magugulat si Iluminada at bibitawan si Elynnia.

Iluminada: I’m just talking to your “favourite” secretary and she’s not feeling well... let me take her outside...
Elynnia: thank you po ma’am pero kaya ko pa po.
Iluminada: no hindi mo kaya. I insist.

Walang nagawa si Elynnia.

Natahimik lang si Jose. Halos madurog siya dahil wala siyang magawa sa mga tingin ni Elynnia na humihingi ng tulong na waring nagsasabing, “ipaglaban mo ako.” Isang katahimikan. Dumaan si Elynnia at Iluminada. Walang ginawa si Jose.

Sa labas ng gusali, doon nga hinatid ni Iluminada ang sekretarya.
Iluminada: Simula ngayon, hinding-hindi ka na tutuntong sa gusaling ito. you’re fired.

Iniwan ni Iluminada ang dalaga, napaluha na lamang si Elynnia habang palayo naman ang asawa ng boss niya. Dinig na dinig ang matataas na takong sa mga palayong hakbang ni Iluminada na tila hinahamak siya, ang kaniyang buong pagkatao, ang kaniyang kaluluwa. May karapatan ba siyang umangal dahil sa mata ng mga tao siya naman talaga ang may sala?

***

Napaluha na rin si Elynnia habang yakap si Lara.

“habang buhay na nga siguro nating ililimos ang ating karapatan anak.”

Hikbi lang sinagot ni Lara ngunit naglalaro na pala sa isip nito na hindi ito maaari. Kailangan kong ipaglaban ang aming karapatan... para sa nanay ko. Para sa kinabukasan namin.

***

Saan hahantong ang mga painit na painit na tagpong ito? magagawa nga bang ipaglaban ni Lara ang pamilya ngayong isang mataas na pader ang babanggain niya? ngayong unti-unti na ngang nagkakalinaw ang lahat, paano magkakabuhol buhol ang buhay ng mga Ponderosa?


Abangan ang susunod ng kabanata sa...

No comments:

Post a Comment