“Patay na si mama!”
Isang sigaw ang bumulabog sa mansion ng mga Ponderosa. Hindi magkandaugaga ang mga katulong sa malaking bahay. isang hikbi ang bumabasag sa katahimikan ng gabi, Si Helena Ponderosa (22), ang panganay na anak nina Donya Iluminada at Don Jose Ponderosa, ang isa sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa. Abot langit ang pagtangis.
Nililinis ni Helena ang katawan ng ina, hinahalikan ang noo. Pinasuot ang magarang terno, ala pang Maria Clara. Inayos ang buhok na kagaya ng isang bun. Siya mismo ang naglagay ng make up. Pinapanalangin n asana kontrahin siya ng ina sa kulay na kaniyang nilalagay sa mukha nito.
Helena, hindi maganda ang lip stick ko.
Helena, i don’t like the color of my eye shadow.
Helena, my dress doesn’t match my make up.
Helena... Helena... Helena...
Wala na siya. Sinuot sa ina ang paboritong hikaw at kuwintas nito. Tinignan ng matagal ni Helena ang ina. Hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit, sa huling sandali.
Sa pagkawala ng matriarch, natatakot si Helena dahil alam niyang hindi madadala sa libingan ng mama ang mga lihim na bumabalot sa kanilang pamilya...
***
Siguro nga kapag bida ka, kailangan mong dumaan sa paghihirap. Kailangan mong maapi. Kailangan mong masaktan at matapakan. Kailangan mong umiyak ng balde balding luha. Kailangan mong mabigo. Kailangan mong maalipusta.
Iba na ang mga bida ngayon. Lumalaban na. Lalo na kung nasa tama. Ngayong wala na siya, hindi na muling masasaktan ang aking ina. Hindi na ako muling masasaktan. Hindi na ako matatapakan. Ito ay aking karapatan. Alam ko sa sarili ko na lumipas man ang panahon, masasabi ng nanay ko sa tatay ko “minsan ang minahal ay ako.” Pero posible kayang maibalik ang pagmamahal na iyon? Kahit sa anak na matagal nang naghihintay ng kaniyang kalinga?
Bababa sa tricycle sa tapat ng isang funeraria ang babae. Hawak ang belong itim, pakikiramdaman ang tao sa paligid. Dama niyang hindi siya nababagay sa loob.
***
Dahan-dahang lalakad si Lara Ponderosa (17), patungo sa maliwanag at magarbong funeraria. May umaawit na choir, malungkot ang piyesa, paborito raw ng namayapang donya. Niligid ang mata sa paligid. Magarang chandelier sa kisame, malawak at maliwanag na chapel. Mga posturang bisita. Wala siya sa lugar doon, hindi nababagay ang kaniyang simpleng bestida at ang nakapusod na buhok. Nakaitim siya, samantalang ang lahat ay nakaputi. Wala siyang pakialam.
Nahuli ng kaniyang mata ang hinahanap, nasa harapan si Helena. Nakaupo. Umiiyak.
Ngunit hindi niya ito lalapitan.
Lalapitan niya ang malungkot ding lalakeng nakabarong sa gilid, si Don Jose Ponderosa.
Lara: condolence po, Papa.
Narinig ni Helena ang mga kataga ng babaeng hindi kilala. Iaangat ni Helena ang ulo nito, titigan ang babae. Bakas sa mga mata nito na hindi niya kilala ang nasa harapan niya.
Lalapit si Helena sa dalawa.
Helena: Sino ka?
Lara: Ako si Lara. Lara Ponderosa.
Nanlaki ang mata ni Helena.
***
Ano ang pakay ni Lara sa burol nang isa sa mga pinakamayang pamilya sa bansa? Bakit dala dala niya ang pangalan ng Ponderosa? Sino siya sa buhay nina Helena? ano ang mga lihim na bumabalot sa pamilyang ito? Ano kaya ang tahi sa buhay ng dalawa? Abangan sa ikalawang yugto ng...
No comments:
Post a Comment